My Blog (PrincessJaneSilorio)
Ang pork barrel ay isang salita na tumutukoy sa pagtatalaga ng paggasta ng pamahalaan na pangunahing kinuha sa kaban ng bayan upang magpasok ng salapi sa distrito ng isang mambabatas para sa mga lokal na proyekto nito.Ito ay sumasangkot sa pagpopondo ng mga programa ng pamahalaan na ang ekonomiko o serbisyong mga benepisyo ay nakalaan sa isang partikular na nasasakupan o lugar ngunit gastos ay pinapasan ng lahat ng mga nagbabayad ng buwis.
PORK BARREL SCAM
Ito ay nilaang malaking halaga ng pambansang tauhang badyet ng pamahalaan sa mga mamba-batas ng bansa. Ang pork barrel ay nakikita na isang panunuhol ng mga politiko sa mga botante. Sinisiguro ng mga politiko na maglalagay ang kanilang pangalan sa mga proyektong ipinagawa bagaman ang proyekto ay pinondohan mula sa ibinabayad na buwis ng mga mamamayan.
Ang pork barrel scam ang kontrobersiya na unang nabunyag noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng kanilang PDAF na mas kilala bilang pork barrel funds na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) para sa mga hindi umiiral na proyekto.
Ang pork barrel scam ang kontrobersiya na unang nabunyag noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng kanilang PDAF na mas kilala bilang pork barrel funds na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) para sa mga hindi umiiral na proyekto.
Mga nilalaman ng Pork Barrel Scam :
1. Utak ng scam
2. Paglalantad ng scam
2. Paglalantad ng scam
3. Pamamaraan ng scam
4. Mga hatian sa scam
5. Mga sanglot na mambabatas
5.1 Mga senador
5.2 Mga kinatawan
6. Mga testimonya ng mga testigo
7. Mga reaksiyon ng publiko
6. Mga testimonya ng mga testigo
7. Mga reaksiyon ng publiko
Utak ng scam
Ayon kay whistleblower na si Benhur Luy ang utak ng scam ay si Janet Lim-Napoles na CEO at presidente ng JLN Corp. Sinasalungat ng mga kaklase at mga kamag-anak ni Napoles ang pag-aangkin ni Napoles na siya ay nagmana ng 2 milyong piso mula sa kanyang amang si Johnny Lim. Ayon sa mga kakilala ni Napoles, ang ama nito ay bangkarota nang namatay at walang iniwan sa kanyang mga anak. Isinaad nilang ang pamilya ni Napoles ay napakahirap na ang ina nitong si Magdalena Lim ay nagbebenta ng banana cue upang mapakain ang mga anak niya. Ayon sa dating kaklase ni Napoles noong highschool na si Rohana Cabayacruz, si "Jenny ay nagpupunta sa aming bahay na may isang mangkok na kanin at humihingi sa amin ng tuyong isda kada araw". Ang isang doktor ay umaayon sa salaysay ng mga kaibigan ni Napoles na isa itong mahirap. Ayon kay Benhur Luy na ikalawang pinsan ni Napoles at empleyado ng JLN Corp, si Napoles at pamilya nito ay hindi mayaman bago gawing personal assistant ni Napoles si Luy noong 2002. Ayon kay Luy, "Ano lang siya, mahirap lang. Kasi yung bahay niya po sa Biñan, Laguna maliit lang po. Nung 2002 po, nagulat na lang ako nasa Ayala Alabang na siya".
Paglalantad ng scam
Ang paglalantad ng pork barrel scam ni Benhur Luy noong Hulyo 2013 ay sinasabing nagmula sa pagdukot at pagdetine ni Napoles kay Luy na empleyado ng JLN Corp. Ayon kay Luy, ang kanilang alitan ni Napoles noong Disyembre 19, 2012 ay dahil sa pagsusupetsa ni Napoles na si Luy ay nagsasagawa ng transaksiyon sa mga mambabatas sa kanyang sarili. Si Luy ay sinagip ng NBI noong Marso 22,2013 at nagsampa ng kasong pagdukot laban kay Napoles. Ayon sa NBI, si Luy ay dinetine ng kapatid ni Napoles na si Reynald Lim sa tirahan ni Napoles sa Taguig dahil sa nalalaman ni Luy tungkol sa pork barrel scam ni Napoles. Si Reynald Lim ay kasalukuyang nagtatago at hindi pa nadadakip ng mga autoridad. Si Luy ay gumawa ng affidavit na naglalantad sa pork barrel scam ni Napoles. Si Napoles ay nagtatag ng 10 pekeng NGO na paglilipatan ng mga pork barrel fund ng mga mambabatas para sa mga ghost project, mga supply na may sobrang taas na presyo, o mga bogus na benepisyaryo. Bukod kay Luy, ang iba pang mga empleyado ng JLN Corp. at tumestigo rin laban kay Napoles.
Pamamaraan ng scam
Ang modus operandi ng scam ay si Napoles at ang isang mambabatas ay may kasunduan na ang pekeng NGO ni Napoles ang tatanggap ng pork barrel funds ng mambabatas kapalit ng mga kickback mula kay Napoles. Ang bawat senador ay pinaglalaanan ng pork barrel funds na 200 milyong piso kada taon at ang bawat kinatawan ay 70 milyong piso kada taon.
Mga hatian sa scam
Ang kickback na napupunta sa bulsa ng mambabatas sa pork barrel scam ay 40-60 porsiyento. Ang mambabatas ay tatanggap ng paunang bayad mula kay Napoles sa pagsusumite ng mambabatas ng talaan ng mga proyekto sa DBM. Ang ikalawang bayad sa mambabatas ay ibibigay kapag nailabas na ang SARO.
Ang hindi bababa sa 35 porsiyento ay napupunta sa bulsa ni Napoles, ang 10 porsiyento ay napupunta sa pinuno ng kasabwat na ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga pekeng proyekto, at ang natitirang porsiyento ay napupunta sa mga chief of staff ng mga mambabatas at mga pangulo ng mga NGO ni Napoles at mga incorporator nito. Kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na kahati sa kickback ang National Livelihood Development Corporation (NLDC), National Business Corporation (NABCOR), Zamboanga Rubber Estate Corporation (ZREC) at Technology Resource Center (TRC).
Mga sangkot na mambabatas
Ang mga sumusunod ang mga nasangkot na mambabatas batay sa mga testimonya ng mga testigong empleyado ng JLN Corp, mga dokumentong nakalap ng Commission on Audit (COA), Department of Budget, SEC, at mga nagpapatupad na ahensiya gaya ng SARO, Memorandum of Agreement, mga liham ng pag-eendorso ng mambabatas, mga mungkahing proyekto, mga ulat ng aktibidad ng proyekto, mga ulat ng inspeksiyon at pagtanggap, mga ulat ng disbursement, mga disbursement voucher, mga accomplishment report, ang resibo ng pagkilala, mga photocopy ng tsekeng inisyu ng mga NGO, mga opisyal na resibo na inilabas ng mga NGO at COA Special Audit Report.
Mga senador
Senador | Pondong nilipat sa NGO ni Napoles | Nakuhang Kickback mula kay Napoles |
---|---|---|
Bong Revilla | ₱1.015 bilyon | ₱224,512,500 |
Juan Ponce Enrile | ₱641.65 milyon | ₱172,834,500 |
Jinggoy Estrada | ₱585 milyon | ₱183,793,750 |
Bongbong Marcos | ₱100 milyon | |
Gringo Honasan | ₱15 milyon |
Mga kinatawan
Kinatawan | Pondong nilipat sa NGO ni Napoles | Nakuhang Kickback mula kay Napoles |
---|---|---|
Rizalina Seachon-Lanete | ₱137 milyon | ₱108,405,000 |
Rodolfo Plaza | ₱79,500,000 | ₱42,137,800 |
Samuel Dangwa | ₱54,000,000 | ₱26,770,472 |
Constantino Jaraula | ₱50,500,000 | ₱20,843,750 |
Edgar Valdez | ₱56,087,500 | |
Erwin Chiongbian |
Mga testimonya ng mga testigo
Ayon sa isang whistleblower, ang mga hapunan niya kasama ng mga mambabatas ay nangyayari sa mga mamahaling restaurant. Ayon sa kanya, siya ay inutusan rin ni Napoles na bumili ng mga regalo para sa mga senador. Ang isang regalo ay isang ball pen na Montblanc na nagkakahalagang ₱65,000 na uukitan ng pangalan ng senador. Ayon sa kanya, si Napoles ay may isang pulang aklat na naglalaman ng mga record ng mga transaksiyon nito sa mga senador at kinatawan.
Ayon sa isang whistleblower, ang mga pangalan ng nakapasa sa mga board examination ng pamahalaan ay ginamit bilang benepisyaryo ng mga ghost project ng mga NGO ni Napoles. Ito ay kinumpirma rin ng COA. Bukod dito, ang mga katulong, driver at yaya ni Napoles ay inutusan rin ni Napoles na mag-imbento ng mga pangalan ng mga pekeng benepisyaryo.
Ang isang testigo ay nagsabing siya ay naghahatid ng mga milyong pisong cash sa chief of staff ng senador.
Ayon kay Luy, ang tsekeng mula sa pamahalaan ay minsang wini-withdraw sa cash o minsang nililipat sa isa pang account sa bangko ni Napoles. Ang na-withraw na mga bag ng cash na mula ₱30 milyon hanggang ₱75 milyon ay nilalagay ng mga empleyado ng JLN Corp. sa kama o bathtub ni Napoles kapag hindi na kasya sa vault ni Napoles.
Reaksiyon ng publiko
Ang paglalantad ng scam noong Hulyo 2013 ay nagresulta sa mga pagpoprotesta at pagtawag ng taong bayan sa pagbuwag ng pork barrel funds ng mga senador (200 milyon kada taon) at kinatawan (70 milyon kada taon). Ayon kay Drilon, ang pork barrel ay bubuwagin na sa 2014 pambansang budget ng pamahalaan.
Gayunpaman, ayon sa kabataan party list, ang pork ni Pangulong Noynoy Aquino na nagkakahalagang ₱1.3 trilyon ay buo at buhay pa rin sa 2014 pambansang budget. Ang ₱1.3 trilyon ng Pangulo ay binubuo ng lump-sum funds sa pambansang budget kabilang ang Special Purpose Funds nagkakalahagang ₱310 bilyon, hindi nakaprogramang funds na nagkakahalagang ₱139 bilyon at mga automatic appropriation na nagkakahalagang ₱796 bilyon, mga kaduda dudang line item kabilang para sa mga gastusing intelihensiya at kompidensiya na nagkakahalagang ₱1.4 bilyon, PAMANA funds na nagkakahalagang ₱7.22 bilyon, Conditional Cash Transfer funds na nagkakahalagang ₱62.6 bilyon at pagpopondo para sa Bottom-Up Budgeting na nagkakahalagang ₱20 bilyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento